DALAWANDAAN pitumpu’t apat na inmates ang pumuga makaraang pabagsakin ng baha ang mga pader ng kulungan sa Borno State sa Nigeria.
Tumakas ang 281 inmates habang inililipat sila sa isang “safe and secure” facility, subalit pito sa kanila ang muling naaresto.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Ayon kay Nigerian Correctional Service Spokesman Abubakar Umar, gumuho ang mga pader sa correctional facilities, pati na ang Medium Security Custodial Center Maiduguri at Staff Quarters sa lungsod.
Ang ilang linggo nang pagbaha sa Nigeria ay pumatay na ng dalawandaan dalawampu’t siyam habang mahigit tatlundaan walumpu’t anim na libong katao ang inilikas.
