All set na ang 22-man delegation ng Pilipinas para magbigay ng karangalan sa bansa sa nalalapit sa 2024 Paris Olympic games.
Ang mga Filipino olympians na sasabak sa athletics, boxing, fencing, golf, gymnastics, judo, rowing, swimming, at weightlifting ay nasa training camp na ng Pilipinas sa Metz, France.
Leylah Fernandez, pinadapa ang katunggaling Romanian sa Monterrey Open
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, naghahanda na para sa mga susunod na lalahukang High-Profile Tournaments
Creamline, nasungkit ang Bronze Medal sa PVL on Tour matapos ma-sweep ang Cignal
Pagbebenta sa Boston Celtics sa halagang 6.1 billion dollars, inaprubahan ng NBA
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, nasa huling bahagi na ng kani-kanilang paghahanda ang national team athletes sa kauna-unahang combined training camp ng bansa.
Idinagdag ni Tolentino na kumpiyansa siyang malalagpasan ng Pinoy athletes ang bilang ng mga nasungkit na medalya sa nagdaang Tokyo olympics.
Kabilang sa mga inaasahang makapagbibigay ng medalya sa bansa ay sina Carlos Yulo, Carlo Paalam, Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan, at Aira Villegas.