PUSPUSAN na ang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE).
Inatasan ni PNP Chief, General Rommel Francisco D. Marbil, ang lahat ng Local Police Units na paigtingin ang kanilang paghahanda para sa eleksyon lalo at nalalapit na ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Binalaan din ni Marbil ang lahat ng mga pulis na huwag magpagamit sa mga pulitiko at tiyakin ang commitment ng pnp sa pagmentina ng peace and order sa kabuuan ng election period.
Ani Marbil, sinumang pulis na mapatutunayang nasangkot sa partisan activities o kaya ay gumawa ng aksyon para makompromiso ang integridad ng PNP ay tiyak na mapaparusahan.
Pinaalalahanan din ni Marbil ang mga pulis na tungkulin nilang mapanatili na payapa, maayos at ligtas ang buong proseso ng eleksyon. (DDC)