INANUNSYO ng PNP na pinaigting nila ang pagpapatupad ng seguridad sa buong bansa para sa kapaskuhan at bagong taon at sa inaasahang posibleng mga rally na may kaugnayan sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa statement, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na ipinag-utos niya na paigtingin ang security operations upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, maiwasan ang criminal activities, at matugunan ang political security challenges mula sa impeachment case laban sa Bise Presidente.
Aniya, kabilang sa kanilang preparasyon ang karagdagang on-ground security, operasyon laban sa cybercrime, pati na paghahanda para sa emergency situations.
Idinagdag ni Marbil na ang pasko ay panahon ng kasiyahan at pagbibigayan, subalit panahon din ito kung kailan sinasamantala ng mga kriminal ang vulnerability ng publiko.