NAGMISTULANG playground ang bakuran ng Malakanyang para sa may dalawanlibong mga bata mula sa kalapit na mga bahay ampunan at mga barangay para sa taunang pamimigay ng regalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang pamilya.
Ang mga bata ay nag-enjoy sa iba’t ibang mga palaro, inflatables, at mga pagkain, bukod pa sa tinanggap nilang trolley bags na may lamang unan, medyas, kapote, tumbler, relos, at tuwalya.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na naramdaman niya ang pasko dahil kasama na naman niya ang mga batang maiingay, makukulit, at kumakanta ng Christmas carol.
Binuksan din ang iba pang gift-giving sites sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas upang magbigay ng kaparehong Christmas treat para sa may dalawampu’t walunlibong mga bata.
Inaasahang bubuksan ng palasyo ang bakuran nito para sa publiko sa kalagitnaan ng Disyembre para sa simbang gabi at iba pang Christmas activities.