IPINAG-utos ni PNP Chief General Rommel Marbil sa lahat ng police units na paigtingin pa ang kanilang mga hakbang upang masugpo ang mga peke at smuggled na sigarilyo sa buong bansa.
Ginawa ng PNP Chief ang statement, kasunod ng reports na umaabot sa 25.5 billion pesos ang nawawala sa pamahalaan kada taon dahil sa iligal na kalakalan ng sigarilyo.
Sinabi ni Marbil na desidido silang pabagsakin ang iligal na kalakalan ng sigarilyo, hindi lamang dahil sa pagkalugi ng pamahalaan kundi para maprotektahan din ang kalusugan ng publiko.
Kabilang aniya sa kanilang hakbang ay pinaigting na surveillance, mas mahigpit na border control, at coordinated operations kasama ang iba pang law enforcement agencies.
Ngayong taon, batay sa report ng Bureau of Internal Revenue, umabot na sa 6.6 billion pesos ang nawala sa gobyerno.