Naka-heightened alert ang PNP upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, lalo na ang mga biyahero, at upang agad makatugon sa mga emergency kaugnay ng pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Marbil na inatasan niya ang lahat ng police units na panatilihin ang peace and order sa gitna ng new year celebrations at tiyakin ang kaligtasan ng mga pauwing biyahero.
Ipinaalala rin ni Marbil na mahalaga ang koordinasyon sa government agencies at local traffic management offices sa pagkakaroon ng epektibong pangangasiwa sa galaw ng mga tao at mga sasakyan, ngayong panahong abala ang lahat.
Idinagdag ng PNP Chief na handa rin ang pambansansang pulisya na magbigay ng first aid sa firecracker-related injuries at tumugon sa mga sunog sa pakikipagtulungan sa local fire protection units.