28 December 2025
Calbayog City
National

PNP, iginiit na hindi “politically motivated” ang mga isinampang kaso laban sa Bise Presidente

BINIGYANG diin ng Philippine National Police (PNP) na ang mga kasong isinampa nila laban kay Vice President Sara Duterte at iba pang personalidad, ay hindi “politically motivated.”

Iginiit ng PNP na ang kanilang hakbang ay pagtupad lamang sa mandato sa kanila ng konstitusyon na pagtibayin ang rule of law.

Noong Miyerkules ay isang police doctor ang naghain ng reklamo laban kay VP Sara, pati na sa pinuno ng kanyang security detail, at iba pa, dahil sa insidente sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).