28 December 2025
Calbayog City
Sports

PLDT, muling nagkampeon matapos padapain ang Kobe Shinwa sa Finals ng PVL Invitationals

NAMAYAGPAG ang PLDT laban sa Guest Team na Kobe Shinwa University sa Finals ng 2025 PVL Invitational Conference.

Mula sa Set 1 kung saan nadapa ang PLDT sa score na 21-25, bumawi ang koponan sa mga sumunod na Sets kontra Shinwa sa scores na 31-29,25-22, at 25-18.

Dahil dito, nakamit ng High Speed Hitters ang ikalawang sunod na titulo kasunod ng kanilang Tournament Sweep sa nagdaang PVL on Tour.

Pinangunahan ni Savi Davison ang PLDT sa kanyang 20 points, kasama ang 9 digs at 18 receptions, dahilan para tanghaling MVP sa Tournament.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).