Nilagdaan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang resolusyon ng City Council na nagpapahayag ng suporta sa planong pagtatayo ng bagong presidential museum sa loob ng “Mansion,” na official residence ng pangulo sa tinaguriang summer capital ng bansa.
Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga plano nito para sa proyekto na inspired mula sa Teus Museum, upang lahat ng turistang bibisita sa Baguio ay maaring magtungo rito nang libre.
Ang bagong presidential museum ay magsisilbing imbakan ng kaalaman, at magbibigay sa mga bisita ng mga kwento tungkol sa bawat presidenteng naluklok sa poder, pati na ang kanilang mga nakamit na tagumpay sa panahon ng kanilang panunungkulan.