PITONG hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa engkwentro laban sa tropa ng Pamahalaan sa Bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija.
Ayon sa 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army, iba’t ibang High-Powered Firearms din ang narekober matapos ang sagupaan sa Barangay Malbang.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Kabilang sa mga narekober sa encounter site ang Tatlong M14 Rifles, Anim na M16 Rifles, Isang M16 na may M203 Attached Rifle, Isang Low-Powered Firearm, mga Subersibong Dokumento, at Personal na kagamitan.
Naglunsad ng opensiba ang Militar laban sa komiteng Rehiyong Gitnang Luzon kasunod ng umano’y paghahasik ng takot ng mga rebelde sa mga residente sa Lugar.
