cMULING pinatunayan ni Filipino Pole Vaulter Ej Obiena ang kanyang galing habang papalapit ang 2024 Paris Olympics, matapos masungkit ang back-to-back wins, sa Poland.
Napanalunan ng 6-foot-2 Olympian ang Gold Medal sa sinalihan nitong meet and stadium record sa pamamagitan ng 5.87 Meters sa Poznan, dalawang araw matapos manguna sa record na 5.97 Meters sa Bydgoszcz.
Sumunod naman ay Obiena ang Polish Ace at Home bet na si Poitr Lisek na nakapagtala ng 5.82 Meters habang pangatlo si Hussain al-hizam ng Saudi Arabia na may record na 5.62 Meters.