Dahil sa walang katiyakang kinabukasan ng boxing sa olympics, itutuon ni Hergie Bacyadan ang kanyang focus sa ibang sports na kanyang pina-practice.
Kailangan kasi sa boxing na magkaroon ng organisasyon na accredited ng International Olympic Committee at kung hindi ay posibleng hindi na ito mapabilang sa Los Angeles 2028 Olympic Program.
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Bukod sa boxing ay nagsasanay si Bacyadan ng vovinam kung saan isa siyang World Champion, at wushu kung saan isa naman siyang silver medalist sa world championship.
Habang naghihintay na mapasama ang boxing sa LA, plano rin ng Filipino olympian na maging isang professional athlete.
