15 March 2025
Calbayog City
Metro

Pasig City Mayor Vico Sotto, nahaharap sa panibagong kasong graft dahil sa hindi ipinamahaging cash allowance

vico sotto

Nahaharap si Pasig City Mayor Vico Sotto at tatlo pang opisyal ng lungsod sa kasong graft at paglabag sa Government Procurement Act bunsod ng umano’y hindi ipinamahaging cash allowance para sa mga empleyado ng Pasig City Hall.

Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman nong July 30, 2024, inakusahan ng residenteng si Michelle Prudencio sina Sotto, Human rResources Development Office Head Elvira Flores, City Administrator Jeronimo Manzanero, at Bids and Awards Committee Head Josephine Bagaoisan ng kabiguang maipamahagi ang 1,500 pesos na allowance sa Pasig City Hall employees para sa 451st “Araw ng Pasig” noong July 2, 2024.

Nakasaad sa reklamo na sa halip na cash allowance, binigyan lamang ang mga empleyado ng commemorative t-shirts na umano’y binili ng walang kaukulang procurement process.

Wala umanong naganap na competitive bidding para sa pagbili ng t-shirts na nagkakahalaga ng 17.2 million pesos.

Ang isa pang complaint na inihain laban sa alkalde at dalawa pang city officials ay ang pagbibigay umano ng iligal na discount sa telecommunications provider na converge.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.