TAGUMPAY na nadepensahan ni WBC World Minimum Weight Champion Melvin Jerusalem sa ikalawang pagkakataon ang kanyang titulo.
Kasunod ito ng unanimous decision sa kanyang rematch laban kay Yudai Shigeoka sa Aichi Sky Expo sa Tokoname, Japan.
Mula sa unanimous decision win laban kay Luis Castillo noong nakaraang Setyembre sa Mandaluyong, ipinakita ni Jerusalem ang magandang kondisyon sa pakikipagsuntukan sa ibabaw ng lona.
Nakita ng lahat ng tatlong judges ang pagiging liyamado ni Jerusalem matapos ang 12 rounds, dahilan para umakyat ang kanyang record sa 24-3 with 12 knockouts habang bumagsak si Shigeoka sa 9-2 with 5 knockouts.
Ang scorecards ay 119-109, 118-110, at 116-112.