PLANO ng national government na umutang ng 735 billion pesos mula sa domestic market sa second quarter ng taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, nais nilang kumalap ng 325 billion pesos mula sa Treasury Bills at 410 billion pesos sa pamamagitan ng Treasury Bonds simula sa Abril hanggang Hunyo.
Ang Domestic Borrowing Plan para sa second quarter ay mas mataas ng 16.85% kumpara sa 629-Billion Peso Program para sa first quarter.
Mas mataas din ito ng 3.23% mula sa 712 billion pesos na inutang simula Enero hanggang Marso.