KASAMA ni Filipina Tennis Sensation Alex Eala ang kanyang mentor at tennis star na si Rafael Nadal.
Nagbalik sa court ang Spanish tennis player, isang taon matapos itong magtamo ng hip injury dahilan kaya hindi ito nakapaglaro sa Australian Open.
Sa social media post, ibinahagi ni Nadal ang litrato ng kanyang training session, kasama ang rising Filipino tennis ace. Ang bente anyos na si Eala, na kasalukuyang World No. 50, ay nag-aral sa Rafael Nadal Academy at grumadweyt noong 2023.




