KABILANG ang mag-asawang Hyun Bin at Son Ye Jin sa big winners sa Blue Dragon Award, na kumikilala sa mahuhusay sa filmmaking sa South Korea.
Ayon sa Forbes, ito ang unang beses na isang married couple ang nakasungkit ng Best Actor at Best Actress Awards.
ALSO READ:
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Nagwagi rin ang mag-asawa ng Popularity Awards para sa favorite actors, sa pamamagitan ng fan voting.
Itinanghal si Hun Bin na best actor para sa “Harbin” habang pinarangalan si Son Ye Jin bilang best actress para sa “No Other Choice.”
Sa kani-kanilang acceptance speech, kapwa binanggit ng mag-asawa ang isa’t isa, at ang kanilang anak na lalaki.
