26 March 2025
Calbayog City
Sports

Pinay Tennis Star Alex Eala, bumaba sa World Rankings matapos kapusin sa US Open

BUMAGSAK sa labas ng top 150 ng Women’s Tennis Association (WTA) Rankings si Alex Eala, matapos ang mabigat na pagkatalo nito sa qualifiers para sa US Open Women’s Singles noong nakaraang linggo sa New York.

Mula sa No. 148 bago ang kanyang US Open Pro Debut, nalaglag ang disi nueve anyos na Pinay Tennis Ace sa No. 153 na pinakahuling WTA List, bagaman maganda pa rin itong posisyon para makaakyat hanggang sa matapos ang taon.

Sa ikatlong sunod na qualifying tournament ng grand slam event, umabot sa finals si Eala para lamang kapusin sa minimithing main draw slot, na maaring maglagay sa kanya bilang kauna-unahang Pilipina na magku-qualify.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).