KINUMPIRMA ni Heart Evangelista na hindi siya makadadalo sa nalalapit na New York Fashion Week Spring/Summer 2025 sa Setyembre, dahil magiging abala siya sa naunang commitments.
Ginawa ni Heart ang anunsyo sa kanyang Instagram story, kung saan tinukoy niya ang work commitments sa Asia at nalalapit ding Milan and Paris Fashion Weeks.
ALSO READ:
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Lead stars ng ‘Tangled’ live-action remake, pinangalanan na
Muling binigyang diin ng fashion personality na mahalaga ang oras at kalusugan sa isang indibidwal.
Idinagdag ni Heart na posibleng sa susunod na season ng New York Fashion Week ay makadalo siya subalit depende pa rin aniya ito, kasabay ng pagsasabing bawal ma-haggard.
