WAGI ang World No. 72 na si Alex Eala sa katunggaling si Viktoriya Tomova ng Bulgaria sa round of 128 ng Madrid Open, sa Spain.
Sa score na 6-3, 6-2 pinadapa ni Eala si Tomova na mas mataas sa kanya ng walong pwesto sa World Rankings.
ALSO READ:
Dahil dito, uusad ang disi nueve anyos na Pinay tennis star sa round of 64 kung saan muli niyang makakaharap ang World No. 2 na si Iga Swiatek.
Una nang naglaban ang dalawa noong Marso sa Miami Open, sa US, kung saan nagwagi Eala sa quarterfinals.




