24 June 2025
Calbayog City
Business

Balance of Payment noong Marso, naitala sa 2-billion dollar deficit

NAITALA sa 2-billion dollar deficit ang Balance of Payments (BOP) ng bansa noong Marso.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 1.97 billion dollars ang BOP deficit noong ikatlong buwan, kabaliktaran ng 3.09-billion dollar surplus noong Pebrero.

Ang deficit ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang lumabas sa Pilipinas habang ang surplus ay mas maraming pera ang pumasok. 

Ayon sa BSP, ang BOP deficit noong Marso ay repleksyon ng pagbabayad ng national government ng mga utang sa labas ng bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).