Nakapagtala ng panibagong impresibong laban ang Filipina tennis star na si Alex Eala, sa kanyang unang panalo laban sa isang player na nasa Top 100 ng WTA Rankings.
Pinadapa ni Eala ang dating World No. 5 at French Open finalist na si Sara Errani ng Italy sa qualifiers ng Miami Open 2024 sa Hard Rock Stadium sa Florida.
Tinapos ng disi otso anyos na pinay ang match sa score na 6-3, 6-1 laban sa 20th seeded Italian para makaabante sa final qualifying round ng WTA 1000 event sa unang pagkakataon.
Ang trenta’y sais anyos na si Errani, na dating World No. 1 sa doubles, ay kasalukuyang ranked 97th sa WTA habang si Eala ay umabot sa new career-high na 171.