8 July 2024
Calbayog City
Sports

Pinay Swimmers kinapos sa podium sa nagpapatuloy na Asian Games sa China

UMABOT sa finals pero kinapos sa podium ang tatlong Filipina Swimmers sa 19th asian Games na ginaganap sa Hangzhou, China.

Nag-qualify si Xiandi Chua para sa finals ng women’s 200-meter individual medley habang sina Tiea Salvino at Kayla Sanchez ay nakapasok sa final ng women’s 50-meter backstroke.

Si Sanchez na nanalo ng Silver at Bronze sa ilalim ng team Canada sa Tokyo Olympics bago lumipat noong nakaraang taon, ay nagtapos sa ika-anim na pwesto sa time na 28.66 seconds.

Si Salvino naman ay pang-walo sa time 28.79 seconds habang si Chua ay pang-walo rin sa kanyang event.

Noong linggo ay pumang-lima sina Chua, Salvino, Chloe Isleta at Jasmine Alkhaldi sa women’s 4×100-meter freestyle relay.

Umaasa ang bansa na matutuldukan na ang dalawampu’t limang taong walang nasusungkit na medalya sa swimming sa Asian Games.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *