NAKASUNGKIT ng Filipina gymnast na si Haylee Garcia ang dalawang silver medals sa 2025 WOGA Classic Gym 2 Tournament na ginanap sa Frisco, Texas, sa Amerika.
Nakapagtala ang Pinay teenager ng 9.350 points sa uneven bars at 8.900 points sa balance beam apparatus, sapat para mag-uwi ito ng pilak na medalya sa dalawang events.
ALSO READ:
Alex Eala, kinapos kay Tereza Valentova sa Japan Women’s Open
PLDT, na-sweep ang Capital-1 sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa ika-3 sunod na titulo
2025 Batang Pinoy Games, All Systems Go na sa General Santos City, sa kabila ng naramdamang lindol
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Nagtapos din siya sa ika-limang pwesto sa junior b women’s all around event sa naipon niyang 34.800 points.
Bago ang sinalihang patimpalak sa Texas, nanalo si garcia ng limang gintong medalya sa 2024 Batang Pinoy Tournament sa individual all-around, balance beam, floor exercise, uneven bars, at vault, bilang kinatawan ng Pasig City.