26 March 2025
Calbayog City
Business

Maharlika, magbibigay ng 76.4-million dollar loan para sa Kalinga Mining Project

MAGBIBIGAY ang Maharlika  Investment Corp. (MIC) ng 76.4 million dollars o 4.425 billion pesos na loan sa isang  Gold  and Copper Mining Project sa Kalinga.

Inihayag ng MIC na lumagda ito sa binding term sheet para sa loan  ng Makilala Mining Company, Inc. Upang simulan ang early development works para sa Maalinao-Caigutan-Biyog Copper-Gold Project sa Cordillera.

Popondohan ng loan ang feasibility study, road construction, at training ng mga  miyembro ng Balatoc  Indigenous Cultural Community.

Idinagdag ng Sovereign Wealth Fund ng bansa, na sa pamamagitan ng loan ay mabibigyan ang Makilala Mining ng financial capability requirements sa ilalim ng kanilang mineral production sharing  agreement, kasama ang pamahalaan. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).