HUMINGI ng tulong si Pokwang sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa scammer na gumamit ng kanyang address sa Antipolo bilang staycation resort.
Sinabi ng komedyante na may nagpupunta sa kanyang bahay matapos mabiktima ng scammer.
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Paolo Contis, nagpasalamat kina Lian Paz at John Cabahug sa pagpapalaki ng maayos sa kanyang mga anak
Aniya, sa isang araw ay nasa tatlo hanggang limang biktima ang kumakatok sa kanyang bahay, at karamihan ay nakapagbigay na ng down payment na mula 5,000 hanggang 10,000 pesos.
Sa pagtaya ni Pokwang, sa isang linggo ay posibleng kumikita ang scammer ng hanggang 200,000 pesos.
Nakasaad sa report ang screenshot ng isang post mula sa facebook page ng umano’y staycation resort para hikayatin ang mga customer.
Ayon naman sa mga biktima, pagkatapos nilang magbayad ng down, ay agad silang bina-block ng scammer.
