NAGHAHANDA na ang Pilipinas para sa Hosting ng Asian Cycling Confederation Track Championships.
Gaganapin ito sa Marso sa susunod na taon sa bagong tayong Tagaytay CT Velodrome.
ALSO READ:
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Benilde, pinauwi ang Perpetual para sa ikalimang sunod na NCAA Women’s Volleyball Finals
Pinay Tennis Ace Alex Eala, laglag na sa 2026 Miami Open
World No.1 Carlos Alcaraz, pinadapa ni Sebastian Korda sa Third Round ng Miami Open
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol Tolentino na ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlumpung taon na magho-host ang Pilipinas ng Asian-Level Championships.
Kamakailan ay dumalo si Tolentino sa Opening Ceremony ng 2025 Track Asia Cup sa Suphan Buri Velodrome sa Thailand na ilang ulit nang nag-host ng kompetisyon sa mga nakalipas na taon.
Nag-ocular Survey din ang POC chief sa pasilidad na magsisilbing Venue para sa 33rd Southeast Asian Games Track Competitions sa Disyembre.
