MAGHAHAIN ng panibagong diplomatic protest ang pilipinas laban sa China bunsod ng pinakahuling pangha-harass na nangyari sa Bajo De Masinloc at Escoda Shoal sa West Philippine Sea.
Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagsusumite ng protesta ng bansa, kasabay ng pagbibigay diin, na napakalinaw na nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone ang mga barko ng Pilipinas.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sinabi pa ng kalihim na hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit na lamang ang China sa pangha-harass, gayung malinaw na iligal ang kanilang mga ginagawa.
Noong Miyerkules ay iniulat ng Philippine Coast Guard na binomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) at binangga ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpa-patrolya sa bisinidad ng Bajo De Masinloc.
Noong weekend naman ay nagsagawa rin ang CCG ng dangerous maneuvers laban sa PCG vessels sa bisinidad ng Escoda Shoal habang patungo ang BRP Cape Engaño at BRP Melchora Aquino sa Rozul Reef para tulungan ang mga Pilipinong mangingisda na nauna nang hinarass ng mga tsino.
