15 March 2025
Calbayog City
National

Pilipinas, mag-aangkat ng galunggong, mackerel, at iba pang mga isda

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na payagan ang importasyon ng karagdagang walunlibong metriko tonelada ng mga isda na target maideliver sa unang dalawang linggo ng Disyembre.

Sinabi ni DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, na kabilang sa planong angkatin ay galunggong, mackerel, moon fish o chabita, at bonito, upang matiyak na walang biglaang pagtaas sa presyo, matapos ang sunod-sunod na paghagupit ng bagyo, at sa gitna ng umiiral na closed fishing season sa ilang lugar para magparami ng isda.

Binigyang diin ni de Mesa na nais lamang nilang makasiguro na walang magiging problema, kinalaunan.

Ang planong importasyon ng 8,000 metric tons ng galunggong, mackerel, moon fish, at bonito, ay bukod pa sa 30,000 metric tons ng imported fish na inaprubahan ng DA noong Oktubre.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.