20 August 2025
Calbayog City
National

Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal

HINDI magpapadala ang Pilipinas ng Navy Ships sa Panatag o Scarborough Shoal, kabila ng panibagong Harassment ng Tsina kamakailan.

Ipinaliwanag ni National Maritime Council (NMC) Spokesperson Undersecretary Alexander Lopez na malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat mauna ang Pilipinas sa paglikha ng gulo.

Binigyang diin din ni Lopez na ang pagde-deploy ng Navy Vessel ay nangangahulugan ng tila paghahamon ng digmaan, na taliwas sa polisiya ng ating pamahalaan.

Sinabi ng opisyal na sa kabila ng pagpapadala ng China ng People’s Liberation Army Warship sa lugar, ay hindi nagde-deploy ng Navy Vessel ang bansa.

Ito, aniya ay dahil maaring magresulta sa Misjudgement at Miscalculation ang engkwentro na iniiwasang mangyari ng Pilipinas.

Idinagdag ni Lopez na sakaling lumala ang gulo ay hindi lamang Pilipinas ang maaapektuhan kundi pati na ang China, kaya mas mainam na pairalin ang pagiging mahinahon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).