NAISUMITE na ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte ang Komento sa Motion for Reconsideration na inihain ng Kamara sa Supreme Court para baliktarin ang desisyon na nagbasura sa Impeachment Case laban sa bise presidente.
Kinumpirma ito ni Atty. Michael Poa, sa pagsasabing inihain ng Defense Team ni VP Sara ang Comment o Position Paper sa Kataas-taasang Hukuman noong Lunes ng hapon.
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Sinabi ni Poa na bilang paggalang sa Sub Judice Rule at respeto sa Judicial Process, ay hindi sila nagpaunlak ng Media Interviews o maglalabas pa ng karagdagang Statements.
Una nang idineklara ng Supreme Court na Unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Duterte, bunsod ng paglabag sa One-Year Rule sa ilalim ng konstitusyon at nilabag ang Right to Due Process ng Vice President.
