GINUNITA ng pamahalaan ng United Arab Emirates ang ika-51 Anibersaryo ng Diplomatic Relations ng Pilipinas at UAE.
Sa pahayag ng embahada ng UAE sa Manila, sa nakalipas na tatlong (3) taon, umabot sa dalawampu’t dalawang (22) kasunduan ang nalagdaan ng dalawang bansa na nakasentro sa usapin ng Kultura, Energy Transition, Legal Cooperation, Government Modernization at Security.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Inaasahan din ayon sa UAE Government na sa mga susunod na linggo ay lalagdaan na ang Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA na makapagpapatibay pa sa Trade and Investment ng dalawang bansa.
Kabilang din sa mga inisyatiba at suporta ng UAE sa Pilipinas ang 20 million US dollars na halaga ng Commitment para sa rehabilitasyon ng Pasig River at ang 15 billion US dollars na kasunduan sa Masdar para makabuo ng Renewable Energy Projects.
Samantala, tiniyak din ng pamahalaan ng UAE na patuloy na pangangalagaan ang kapakanan ng mahigit isang milyong Pinoy sa kanilang bansa.
