TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na magpapatuloy ang kanilang ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP), sa kawalan ng Proposed Budget Allocations para sa susunod na taon.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mayroon pang pondo ang DSWD na maaring gamitin hanggang sa susunod na taon.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Aniya, hindi nila napondohan sa 2026 National Expenditure ang AKAP, dahil nasa 11 billion pesos ang natitirang pondo sa ilalim ng programa.
Naging kontrobersyal ang AKAP Program matapos itong tawagin ng ilang mambabatas bilang bagong “pork” para sa mga opisyal ng pamahalaan.
Idinagdag ng kalihim na ipauubaya na nila sa kongreso kung nais nilang lagyan ng pondo ang AKAP sa 2026.
