ISINUSULONG ng Pilipinas na ibaba ang taripa para sa mga saging na iniluluwas ng bansa sa Japan.
Nagtungo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Japan kasama ang Philippine delegation, upang makausap ang bagong agriculture minister, pati na ang senior vice president ng Japan International Cooperation Agency (JICA), tungkol sa agriculture, fisheries, at food security cooperation.
Bukod sa mas mababang taripa sa saging, humirit din si Tiu Laurel ng bagong market access para sa pomelo, mas mabilis na pagpasok ng Japanese grapes, at enhanced protocols para sa mangga, papaya, at poultry mula sa mga rehiyon na ligtas mula sa avian influenza o bird flu.
Naghahanda ang Pilipinas sa pagsali sa comprehensive ang progressive agreement for trans-pacific partnership, isang free trade deal sa pagitan ng iba’t ibang estado.




