Pumirma ang Pilipinas at Australia sa memorandum of understading upang palakasin ang maritime cooperation.
Nangyari ito sa bilateral meeting nina pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Canberra, kahapon.
Sa joint press statement, sinabi ni Albanese na sa ilalim ng M-O-U, paiigtingin ang kolaborasyon sa civil maritime security, marine environment protection, maritime domain awareness, at pagtataguyod ng international law.
Sinelyuhan din ang M-O-U para sa pagpapalawak ng kooperasyon sa cyber at critical technology, para sa bukas at ligtas na paggamit ng cyberspace.
Nilagdaan din ang bagong kasunduan sa pagitan ng competition commissions ng dalawang bansa, para sa kooperasyon sa competition law and policy, at sa mahahalagang isyung nakaa-apekto sa cost of living ng publiko.
Inihayag naman ni pangulong Marcos na paiigtingin ng tatlong kasunduan ang information sharing, capability building, at interoperability sa maritime domain at maritime environment, cyber and critical technology, at competition law.