LUMAGO ng 4.8% o sa P103.6 Billion ang total exports, kabilang na ang services at goods, noong 2023.
Ayon sa Export Marketing Bureau ng Department of Trade and Industry (DTI), mas mababa ito kumpara sa itinakdang target para sa naturang taon.
Nabigo ang full-year performance na maabot ang 5% growth na itinakda ng DTI noong nakaraang taon at mas mababa sa 126.8-Billion dollar goal na inilatag sa Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028.