NAGLULUKSA ang Philippine Army sa pagpanaw ng isang sundalo na bahagi ng military operations laban sa mga rebelde sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Paranas, Samar.
Narekober ng mg sundalo ang katawan ng kanilang kabaro na si Private Boyet Bugtong, isang araw matapos itong tangayin ng baha sa Barangay Anagasi.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Sinabi ni 8th Infantry Division Spokesperson, Capt. Jefferson Mariano, na nalagasan sila ng tropa habang tumutupad sa tungkulin.
Kabilang si Bugtong sa mga sundalong idineploy sa lugar kung saan tinututukan ang military operations, kasunod ng napaulat na presensya ng mga rebelde.
Gayunman, sa kasagsagan ng bagyo, tumulong ang mga sundalo sa residente na naapektuhan ng pagbaha.
