INIHAHANDA ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang kanilang Ecozones bilang Ideal Location for Aviation and Aerospace Investments.
Sa Philippine Aviation Summit, sinabi ni PEZA Ecozone Development Department Manager Ludwig Daza, na binuksan ng Investment Promotion Agency ang kanilang pintuan para sa karagdagang Aviation-Related Industries.
ALSO READ:
Iminungkahi rin ng PEZA ang pagtatatag ng Aerotropolis Parks para pag-ugnayin ang mga industriya sa Airports at i-integrate ang Aviation sa mas malawak na Industrial Landscape.
Inaasahan din na makatutulong ang Aerotropolis Parks upang matiyak na mananatiling Competitive ang bansa sa susunod na panahon ng industriyalisasyon.