NAGKASUNDO ang Afghanistan at Pakistan para sa agarang Ceasefire matapos magkasundo sa isinagawang Peace Talks sa Doha, Qatar.
Kasunod ito ng isang linggong maigting na Border Clashes, na pinakamarahas sa pagitan ng South Asian Neighbors simula nang mabawi ng Taliban ang kapangyarihan sa Kabul noong 2021.
ALSO READ:
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Inanunsyo ni Pakistani Defence Minister Khawaja Muhammad Asif sa X, naisapinal na ang Cease Fire, at maaring magpulong uli ang magkabilang panig sa Oct. 25 sa Istanbul para talakayin ang mga detalye. Sinabi naman ni Taliban Spokesperson Zabihullah Mujahid na nagkasundo ang magkabilang partido sa kumpleto at makabuluhang tigil-putukan.
