8 July 2024
Calbayog City
National

Pederalismo isinulong ni Pangulong Bongbong Marcos

ISINULONG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang pederalismong sistema ng gobyerno.

Sa oath taking sa Malakanyang ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas, kahapon, inihayag ng Pangulo na ang Pederalismo ang naglalarawan ng isang mas maaasahang istraktura ng pulitika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming sentro ng kapangyarihan ng isang bansa.

Iginiit ni Marcos na kapag bumagsak ang Maynila kung saan kasalukuyang naka-sentro ang kapangyarihan, babagsak na rin ang buong Pilipinas.

Gayunman, kung ikakalat aniya ang kapangyarihan sa Local governments at Local Districts ay mas magiging maayos ang sistema ng pulitika.

Sinabi pa ng Pangulo na kung makakaya naman ay mas mainam na ang Regional Levels, mga Gobernador, o Kongresista na lamang ang gumawa ng mga desisyon para sa mas mabilis na proseso, sa halip na i-akyat pa ito sa Presidente o sa Gabinete.

Iginiit ng Pangulo na napakahalaga ng Pederalismo at sinisikap na niya ngayong ipaubaya sa lower levels ng gobyerno ang proseso ng pagde-desisyon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *