30 April 2025
Calbayog City
National

PCG, matagumpay na nakapagsagawa ng RORE mission sa mga isla sa West Philippine Sea

rore mission

Matagumpay na Rotation and Resupply (RORE) mission sa West Philippine Sea ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cabra at BRP Sindangan simula Jan. 3 hanggang Jan. 9, 2024.

Nakadaong ang nasabing mga barko ng coast guard sa Port of Buliluyan sa Bataraza, Palawan matapos makapaghatid ng suplay sa mga coast guard personnel na nakadeploy sa Kalayaan Island Group, partikular sa Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Island.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Armand Balilo, may nakabantay na barko ng Chinese coast guard habang isinasagawa ng RORE mission.

Gayunman, maliban sa “shadowing” ay wala namang ginawang mapanghamon na hakbang ang mga barko ng China.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, ngayong taon ay sasailalim sa pagsasaayos ang mga pasilidad ng coast guard sa nasabing mga isla.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *