INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Local Water Utilities Administration na imbestigahan ang kawalan ng supply ng tubig sa ilang paaralan sa Bulacan.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, na binigyan ng pangulo ng dalawang araw ang LWUA para magsumite ng kanilang report.
Sa kanyang pag-iinspeksyon sa Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan, noong Lunes, pinuna ni Pangulong Marcos ang mga palikuran na kailangang linisin at pagandahin.
Gayunman, mayroong problema sa supply ng tubig sa lugar kaya mahirap umanong ayusin ang mga palikuran.
Bukod sa kawalan ng tubig ay napansin din ng punong ehekutibo ang ilang school buildings na “Marcos-type” o itinayo noon pang 1970s, at sinabing dapat nang isailalim ang mga ito sa rehabilitasyon.