BINIGYANG diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na ang tanging solusyon sa armadong pakikibaka ay kapayapaan na napagkasunduan ng lahat ng partido.
Sa ika-walumpu’t tatlong paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Pilar, Bataan, kahapon, sinabi ng pangulo na ipinagdiriwang natin ngayon ang kapayapaan na nakamtam kapalit ng dugo at sakripisyo ng lahat ng magigiting na lumaban para kani-kanilang bansa noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Idinagdag ni Pangulong Marcos na ang kapayapaan ay hindi maaring makamit ng isang tao o ng isang bansa lamang.
Ikinalungkot ng pangulo na maraming bansa, na hanggang ngayon ay hindi pa rin natututo sa leksyon na dulot sa digmaan, subalit umaasa pa rin na makakamtan ng lahat ang inaasam na kapayapaan.
Nagtalumpati si Pangulong Marcos sa Dambana ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine sa Bataan, kung saan pinangunahan din niya ang pag-aalay ng bulaklak at binisita ang bagong ayos na Mt. Samat National Shrine Underground Museum.