SUSPENDIDO pa rin ang klase sa lahat ng antas at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at tatlumpu’t apat na lalawigan ngayong Biyernes, dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan na dala ng Bagyong Emong at ng Habagat.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, kabilang sa mga lugar na walang pasok ang Bataan; Benguet; Ilocos Sur; La Union; Occidental Mindoro; Pangasinan; Zambales; Abra; Batangas; Cavite; Ifugao; Ilocos Norte; Laguna; Mountain Province; Pampanga; Tarlac; Albay; Apayao; Aurora; Bulacan; Cagayan; Camarines Norte at Camarines Sur.
Gayundin ang Isabela; Kalinga; Marinduque; Metro Manila; Nueva Ecija; Nueva Vizcaya; Oriental Mindoro; Palawan; Quezon; Quirino; Rizal; at Romblon.
Inihayag din ni Remulla na inaasahang papasok sa trabaho ang mga Government Frontliners.
Hanggang kahapon ay apatnapung lugar na ang nagdeklara ng State of Calamity bunsod ng epekto ng mga Bagyong Crising, Dante, at Emong, pati na Habagat.