BUMISITA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga inilikas na residente sa Maly Elementary School at Sta. Ana Barangay Hall, Covered Court sa San Mateo, Rizal.
Pinangunahan ng pangulo kasama si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng Family Food Packs at iba pang mahahalagang gamit sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha.
ALSO READ:
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Ipinakita ng DSWD kay Pangulong Marcos ang Mobile Kitchen ng ahensya na ginagamit sa pagluluto ng Hot Meals upang maipamahagi sa mga evacuee.
Kasama din sa naturang pagbisita sina Department of Health Secretary Teodoro Herbosa at Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
