BINIGYAN ng limang araw ng COMELEC 2nd Division si Pasig Congressional Candidate Ian Sia para sagutin ang disqualification petition na isinampa laban sa kanya matapos ang komento nito sa single mothers.
Inilabas ng dibisyon ang apat na pahinang summon, ilang araw matapos ihain ng COMELEC Task Force Safe ang Disqualification Case laban kay Sia bunsod ng umano’y paglabag sa Anti-Discrimination Rules ng poll body.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ayon sa COMELEC 2nd Division, maaring isumite ni Sia ang kanyang tugon sa Clerk of the Commission nang personal o sa pamamagitan ng e-mail.
Gayunman, kapag hindi nakatugon ang respondent sa itinakdang panahon ay mawawalan na ito ng pagkakataon na makapaghain ng controverting evidence.