NAPALAGO ng National Food Authority (NFA) ang kanilang rice buffer stock sa pinakamataas na lebel sa loob ng limang taon.
Ibinida ng NFA na umabot ang kanilang buffer stock sa 7.17 million na 50-kilogram bags ng bigas.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Ayon sa ahensya, ito na ang pinakamataas nilang imbentaryo simula noong katapusan ng 2020.
Sinuportahan ito ng mas mataas na buying price ng palay na nasa average na 27 pesos per kilo noong nakaraang taon at 24 pesos per kilo ngayong taon.
Sa kabila ng tumaas na stocks, tiniyak ni NFA Administrator Larry Lacson na may sapat na pondo ang ahensya para bumili ng mas maraming palay.
