INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Burauen, Leyte ang isang parke bilang pagkilala sa grand uncle ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Norberto Romualdez Sr., na nagmula sa naturang bayan na may malaking papel sa pagpapaunlad ng local literature.
Pinangunahan ni Mayor Juanito Renomeron ang soft launching ng bagong restored park na pinaganda ng local government sa tulong ng National Historical Commission of the Philippines simula noong 2022.
Sinabi ni Renomeron na ang paglulunsad ay simbolo ng matibay na commitment ng Local Government Unit, kasama ang municipal tourism office, na ma-preserve at maisulong ang sariling cultural heritage.
Si Norberto na isinilang sa bayan ng Barauen noong June 6, 1875, ay panganay na anak na lalaki nina Daniel Romualdez at Trinidad Lopez.
Ang kanyang nakababatang kapatid na si Vicente ay ang ama ni Imelda Romualdez-Marcos na ina ni Pangulong Bongbong Marcos.