IDINEKLARA ni French President Emmanuel Macron ang pormal na pagbubukas ng Paralympic Games matapos ang magarbong seremonya.
Ang event sa Champs Elysees at sa Place De La Concorde sa Paris, ang unang Paralympics curtain-raiser na gaganapin sa labas ng stadium.
ALSO READ:
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Benilde, pinauwi ang Perpetual para sa ikalimang sunod na NCAA Women’s Volleyball Finals
Pinay Tennis Ace Alex Eala, laglag na sa 2026 Miami Open
World No.1 Carlos Alcaraz, pinadapa ni Sebastian Korda sa Third Round ng Miami Open
Mahigpit ang ipinatupad na seguridad, kung saan labinlimanlibong law enforcement officers ang ipinakalat sa site.
Nagsimula ang parada ng 168-delegation athletes sa ilalim ng Champs Elysees sa pamamagitan ng mala-piyestang kapaligiran kasama ang volunteers na nakisaya at nakisayaw.
